DAGUPAN CITY- Kinahaharap ngayon ng mga biktima at Human Rights Lawyers ang ilang mga suliranin sa paghahanda para sa paglilitis ng ICC kaugnay sa War on Drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Neri Colmenares, counsel for victims of extrajudicial killings on War on Drugs, tinukoy nya nag mga pangyayari at isyu bilang confusing sa mga simpleng mamamayan.
Aniya, malaking tagumpay din sa mga biktima ang desisyon ng ICC sa paggamit ng mga IDs bilang proof ng kanilang pagkakakilanlan.
Kailangan aniyang makapag-participate ang mga biktima sa gagawing paglilitis upang matamo nila ang hustisya na para sa kanila at sa pag-usad ng kanilang kaso.
Hindi rin basta mapepeke ang pagkakakilanlan ng bawat isa dahil gagawan ang mga ito ng masusing paglilitis.
Samantala, binibigyan din aniya ng due process ng ICC ang mga sangkot, kaya’t maaaring maglatag ang mga ito ng ebidensya.
Hindi rin aniya madali ang paghahanda ng mga Human Rights Lawyers sa paglilitis ng ICC dahil sa ilang mga suliranin tulad ng rules ng ICC at mga pending na kason nakabinbin.