Nalubog sa tubig baha ang ilang puntod sa mga sementeryo sa lungsod ng Dagupan bunsod ng naging pag-ulan noong nakalipas na mga araw dulot ng naging pananalasa ni Bagyong Paeng na sinabayan pa ng high tide.
Sa kabila pa nito ay tuloy tuloy pa rin ang pagpasok ng mga residente upang bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
May ilang mga indibidwal ring humabol sa paglilinis ng mga nitso na halos malubog na sa baha.
Ilang mga residente naman ang nanawagan ngayon sa pamahalaan na agad mabigyan na ng aksyon ang problema dahil sa libu-libong pamilya ang napipirwisyo sa problema.
Ayon kay Lette Amian na bumibista sa Independent Public Cemetery na wala na aniyang naging pagbabago sa sitwasyon ng sementeryo kung saan kada taon ay bumubungad sa kanila ang tubig baha sa mga puntod.
Ganito rin ang sitwasyon sa ilan pang mga sementeryo sa lungsod kung saan sa Roman Public Cemetery ay lubog din sa tubog ang ilang mga nitso.
Samantala patuloy naman ang pagiikot ng hanay ng Dagupan PNP sa loob at sa labas ng sementeryo upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko
Kaugnay nito ay nanawagan naman ang mga awtoridad na sumunod pa rin sa mga panuntunan upang hindi na maabala pa.