DAGUPAN CITY- Maraming mga salik ang maaaring maka-apekto sa pagabruba o pagbasura ng petisyong 15 pesos na mininum fare sa mga pampasaherong jeep dito sa ating bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, Presidente ng Autopro Pangasinan, dahil sa hindi natuloy na petisyon noong nakaraang taon an gawing 15 pesos ang minimun fare sa mga pampasaherong jeepney, inilulunsad ulit ito dahil sa pagtaas ng preso ng produktong petrolyo.

Aniya, isahan na nag paghahain ng petisyon dahil dalawang beses ipinapanawagan ang nasabing isyu.

--Ads--

May posibilidad ding hindi aprubahan ang nasabing petisyon depende sa mangyayari sa mga hinaharap.

Dagdag niya, isang factor din ang ang fuel subsidy o pagbibigay ng ayuda sa mga tsuper upang huwag itong maaprubahan.
Sa ngayon ay hinhintay na lamang ang desisyon kung ano ang mangyayari sa nasabing isyu.