Dagupan City – Umani ng pagtutol mula sa ilang residente ang naging desisyon ng ilang lokal na pamahalaan at ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na ipagpaliban o kanselahin ang mga pista sa gitna ng umiiral na national emergency.

Ayon sa mga tumututol, mahalaga ang pista bilang bahagi ng kultura at tradisyon ng kanilang lugar, at nagsisilbi rin itong pagkakataon para sa pagkakaisa ng komunidad.

Ilan sa mga residente ang nagsabing apektado rin ang kabuhayan ng maliliit na negosyante tulad ng mga food vendor, at ng mga local performers na umaasa sa kita tuwing may selebrasyon.

--Ads--

May ilan ding nagmungkahi na gawing mas simple na lamang ang pagdiriwang upang maipagpatuloy ang tradisyon habang nakakatipid sa gastusin.

Sa kabila ng mga pagtutol, nanindigan ang ilang lokal na opisyal na kinakailangan ang hakbang upang matiyak ang mas maayos na paggamit ng pondo at matugunan ang mas mahahalagang pangangailangan ng publiko.