Maraming nasirang kalsada sa Fukoshima, Japan, kung saan ay epicenter ng pagyanig doon na mayroong 7.1 magnitude at lalim na lalim 60 km.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Rin Yanai mula sa nabanggit na bansa, hanggang sa ngayon ay inaayos pa rin ang kakalsadahang nagkaroon ng mga pagbitak bunsod sa tindi ng naturang paggalaw ng lupa.
Aniya, nakararanas din ang ilan sa lugar ng kawalan ng kuryente at ang ibang mga residente ay nag-panic buying na rin ng ilang essential goods dahilan upang maubusan ng tubig ang iba.
Sa lakas umano ng pagyanig ay nagbagsakan ang kanilang mga gamit.
Samantala, sila ay pinag-aantabay sa posibleng aftershocks.
Kung matatandaan, sa dagat tumama ang lindol na ito.
Bagama’t malakas ang lindol na nagpauga sa mga gusali sa Tokyo, wala namang naiulat na malaking pinsala at hindi rin naglabas ng tsunami warning ang Japan Meteorological Agency (JMA).
Wala ring napaulat na iregularidad sa Tokaimura nuclear facility.
Sa kabila nito ay nasa mabuting kalagayan at balik normal na ang mga mamamayan sa Tokyo, Japan matapos tumama ang magnitude 7.1 na lindol ang malaking bahagi ng Japan noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Bombo International Correspondent Hydee Canilao Cunanan, mula sa Tokyo Japan bagama’t malakas ang lindol na nagpauga sa mga gusali sa Tokyo, wala namang naiulat na malaking pinsala at hindi rin naglabas ng tsunami warning sa kanilang lugar.