DAGUPAN CITY–Inilikas ang mga apektadong residente dahil sa nararansang pagbaha sa ilang lugar sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Umabot sa labing anim na pamilya o 77 indibidwal mula sa sitio Fisheries sa barangay Malued ang nasa evacuation center.

Nabatid na umabot sa anim na talampakan ang lalim ng baha sa nasabing lugar.

--Ads--

Bukod sa hightide ay nakaapekto rin umano sa pagtaas ng level ng baha ang pag-apaw ng tubig sa Sinukalan River sa bayan ng Santa Barbara.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa evacuation center ang mga inilikas na residente .