DAGUPAN CITY — Nangangamba ang ilang mga mamayan sa bansang Amerika dahil sa posibleng banta ng protesta pagkaraang lumabas na ang resulta ng kasalukuyang US Presidential Election.

        Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Maria Nicia Guanco, mula sa Illinois USA umaasa ito na magiging mapayapa ang magiging kabuuan ng naturang eleksyon dahil aniya ay maiinit ngayon ang kasalukuyang tunggalian ng dalawang presidential bet.

        Aniya, possible umanong magsagawa ng protesta ang taga suporta ng dalawang kandidatp sakaling sino man ang manalo sa naturang eleksyon.

--Ads--

        Dahil umano rito ay aasahan ang magulong sitwasyon sa mga kakalsadahan sa naturang bansa.

        Nabatid din ni Guanco, na nag-aantay lamang ng abiso ang mga tagasuporta ng dalawang partido partikular ng right wing Trump Supporters.

        Matatandaan kasing nagpahayag ng ‘stand back and stand by’ si US President Donald Trump sa kanyang presidential campaign.