Ilang mga Pilipino sa Ukraine ang pinipili pa ring manatili sa bansnag Ukraine sa gitna ng malakas na presensyang puwersa ng Russia sa kanilang bansa.

Ayon kay Bombo Intenational News Correspondent Joy Fernandez Tolentino na maituturing umanong normal ang kalagayan ng mga residente sa kanilang lugar na Kyiv, na itinuturing na sentro ng pag-atake ng pwersa ng Russia.

Pinawi rin umano ng kanilang presidente ang mga naglalabasan na ulat ukol sa tuluyang paglusob ng mga sundalo sa Russia kung saan ay nagpahayag ito na magpapatuloy pa rin ang diplomasya.

--Ads--

Pagsasaad naman nito na nakahanda rin sila ng umuwi ng Pilipinas sa oras na kailanganin ito.

Aminado naman ito na may napaulat na pagatake ng Russia ngunit mayroon na rin aniyang mga naipadalang sundalo sa silangang bahagi ng bansa para maprotektahan ang mga residenteng naninirahan roon.

Hiningi naman nito ang tulong ng bawat tao na magdasal na tuluyang matapos ang banta ng giyera at magkaroon ng diplomasya.