Nangangamba ngayon ang ilang mga Pilipino sa Ukraine na posibleng magtagal pa o umabot pa ng taon bago sila mapasahuran ng kanilang mga amo sa gitna ng ginagawang pag-atake ng Russia sa kanilang bansa.


Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bombo International News Correspondent Joy Tolentino , Pinoy sa Ukraine hindi na sila napapasahuran ng kanilang mga amo sa ngayon lalot lugmok na ang ekonomiya ng kanilang bansa.


Sa katunayan aniya wala ng bukas na stablisyemento lalo na sa Kyiv at iba pang lugar na napasok na ng Russia.

--Ads--


Ilang mga pinoy din ang iniwan ng kanilang mga employer at nakikituloy na lamang sa mga itinakdang bunkers.


Hiling naman ni Tolentino at iba pang mga Pinoy na nananatili sa Ukraine na matapos na ang kaguluhan at makabangon na ang naturang bansa.