Nagbabalak na ang ilang mga Overseas Filipino Worker sa Israel na mag repatriate na sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eric Calma Regala- Bombo International News Correspondent sa Israel, ibinahagi nito na sa katunayan ay kinokolekta na ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga Pilipinong nais nang umuwi sa bansang Pilipinas.
Aniya, kung bibilangin kasi nasa tatlo sa isang araw na palitan ng mga missile ang nangyayari sa kanilang bansa.
Ngunit sa kabila nito, nilinaw naman ni Regala na ligtas ang kanilang kinaroroonan dahil may mga alarm na nakatakdang tumunog para ialerto ang mga ito na pumasok na sa bomb shelter.
Dahil sa pangyayari hindi na nila nagagawa ang mga dati nilang nakasanayang gawin sa pang-araw araw at isa na nga rito ang pag-grocery, dahilan upang umasa na lamang din ang mga ito sa iaabot ng kanilang pamahalaan sa kanila.
Ipinaliwanag naman ni Regala kung ano ang iron dom, ito ay ang advance technology ng Israel na nagsisilbing shleter ng mga residente, dahil kahit malayo pa ang missile ay na-dedetect na niya ito.
Ngunit nilinaw din nito na hindi 100% nasasalo ng iron dom ang mga bomba at debris kaya hindi alam kung saan napupunta ang mga rockets.
Sa kabila nito, pinili pa rin nila aniya na manatili sa bansa hangga’t sumusunod sila sa protocol ng ahensya dahil kung ikukumpara ang sinasahod nila sa bansang Pilipinas ay mas mataas pa rin ang sahod at oportunidad sa Israel.