DAGUPAN, CITY— Problema ng ilang mga motorista at may-ari ng mga sasakyan ang parking space sa Brgy Poblacion Oeste sa lungsod ng Dagupan bilang pagtalima sa isinasagawang ng road clearing operation kaya naman bawal muna ang pagpapark ng kahit na ano mang sasakyan sa mga daan na sakop nito.
Ayon kay Barangay Poblacion Oeste Chairman Mark Anthony Gutierrez, aminado ito na batid nila ang problema ng mga motorista kaya naman ginawa munang pansamantalang parking area ang nagsisilbing covered court ng barangay.
Aabot naman sa 30 na mga sasakyan ang kayang i-accommodate ng naturang court at mayroon na rin mga CCTV cameras na naka install upang mamonitor rin kung mayroong mg gagawa ng illegal habang naka-park doon ang mga sasakyan.
Bagamat ito ay walang bayad, nadidismaya ang ilang mga opisyal ng barangay dahil mayroon paring mag nanatiling matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa pagpapatupad nito halimbawa na lamang ng pagpupumilit parin ng ikang mga motorista na mag park malapit sa kung saan nagsasagawa ng road clearing.
Kaya naman humingi na rin ng tulong ang barangay sa Public Order and Safety Office o POSO Dagupan upang sitahin at huliin ang mga patuloy parin na lalabag sa pamamagitan ng pag iissue ng mga citation ticket.
Dagdag naman ni Gutierrez, ito ay hindi upang pahirapan ang kanilang mga ka-barangay kundi upang tulungan din ang mga ito at hindi sabihin na ningas kugon lamang ang pagsasagawa ng mga road clearing operations sa nasabing barangay. (with reports from: Bombo Mariane Esmeralda)