BOMBO DAGUPAN – Hinarang ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang kalsada patungo sa Davao International Airport bilang pagtutol sa umano’y pang-aapi sa kanila.

Kung saan ay nagsagawa sila ng kilos-protesta at nananawagan na bumaba sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isinisigaw nila ang katagang “Duterte” gayundin ang pananawagan ng hustisya sa ginagawa anilang panggigipit sa kanilang grupo ng mga kapulisan at ng kasalukuyang administrasyon.

--Ads--

Sa ilang mga video, maririnig ang pakiusap ng mga tagasuporta na “BBM resign” habang hawak ang mga placards na may nakasulat na “hustisya para sa KOJC”.

Patuloy namang nakaantabay ang kapulisan sa lugar.