Dagupan City – Ikinababahala ng ilang mga manggagawa sa Estados Unidos ang nakatakdang layoff and reduction of workers sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Des Baker, Bombo International News Correspondent sa USA, isa kasi ito aniya sa nakikitang hakbang ni US President Donald Trump upang tuluyang makamit ang nais na pagpapalago ng kanilang ekonomiya.
Kung saan, hangga’t maari ay titingnan nito at gagawin kung saan siya mas makakatipid dahil kilala na rin ang pangulo bilang isang negosyante.
Hinggil naman sa pag-freeze ni Trump sa mga federal grants, umabot na aniya ito sa korte suprema, na sinasabing hindi pwedeng ihold ni Trump at dapat irelease nito ang funding ng federal government dahil nakasaad ito sa kanilang batas.
Ngunit nauna nang nilinaw ni Baker na ang 90 days holding process ay isa lamang na legal process na sinusunod ng bansa.
Samantala, nasa 2 taon na ring mataas ang taripa sa US, kung kaya’t hindi na rin bago aniya sa trade war dahil nasanay na rin sila na mataas ang bilihin sa bansa.
Sa kabilang banda, naniniwala naman aniya sila na muling lalago ang kanilang ekonomiya sa pangunguna ng kanilang pangulo.
Nauna nang binalaan ng China ang US na handa nila itong harapin sa anumang uri ng giyera, matapos na patawan ng US ng 20 percent na taripa ang mga produkto ng China na ibinebenta sa US habang sa Canada at Mexico ay mayroong 25 percent na pataw na taripa.