Dagupan City – Isang proyekto ng pagre-relocate at paggawa ng mga replika ng mga makasaysayang makinarya at kagamitan na ginamit sa World War II na nasa lalawigan ng Pangasinan ang pinaghahandaan ng mga eksperto at ng pamahalaang panlalawigan.

Para kay Miguel Angelo Villa – Real, ang 1st Vice President at Head of Marketing ng Communication and Consumer Protection ng Philippine Veterans Bank, layunin ng proyekto na mapreserba ang mga mahahalagang piraso ng kasaysayan at magbigay ng edukasyon sa mga susunod na henerasyon ukol sa mga mahahalagang kaganapan.

Aniya na bahagi ng plano ang paggawa ng mga replika ng mga makinarya tulad ng mga eroplano, tangke, at armas dahil ligtas ito sa anumang klima lalo na’t malapit ito sa dagat.

--Ads--

Ang mga orihinal naman na kagamitan ay ililipat sa isang ligtas at konserbasyon na pasilidad upang mapanatili ang kanilang kalagayan.

Inaasahan naman na magiging isang mahalagang atraksyon ang mga ito para sa mga turista, mag-aaral, at pati na rin sa mga ilan pang historians.

Sa pamamagitan nito, magiging mahalaga ito sa pagpapanatili ng mga ala-ala ng mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng mundo.