Dagupan City – Nagtipon ang unang batch ng Senior High School students ng Juan G. Macareg National High School upang matutunan ang mga tamang hakbang sa pagtugon sa mga emergency at sakuna sa isang makulay at masiglang aktibidad.

Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng isang Information Education Campaign (IEC) na layuning palaganapin ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang uri ng kalamidad.

Pinangunahan ng mga lokal na opisyal at ilang personel mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagtuturo sa mga kabataan ng mga angkop na pamamaraan sa pagtugon sa mga emergency situations.

--Ads--

Kasama sa aktibidad ang isang tour sa Emergency Operations Center ng Pangasinan kung saan ipinakita ang mga kagamitan at hakbang na ginagamit sa oras ng kalamidad.

Isang mahalagang bahagi ng programa ang pagpapakilala sa Pangasinan 911, isang serbisyong naglalayong magbigay ng mabilis na tugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa oras ng sakuna.

Ipinahayag naman ng mga mag-aaral ang kanilang pasasalamat sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensya na nagbigay ng kanilang oras at kaalaman sa mga estudyante dahil iIsa itong mahalagang hakbang upang mapalalim ang kaalaman ng mga kabataan sa Disaster Risk Reduction and Management at upang mapalakas ang kahandaan ng komunidad.