DAGUPAN CITY- Isang mahabang proseso ang kailangang pagdaanan ni Vice President Sara Duterte para sa kaniyang impeachment case.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Jobert Pahilga, isang Human Rights and Public Interest Lawyer, simula pa lamang ng proseso ang ginagawang hakbang ng House of Representatives at hindi agad nangangahulugang guilty ang nasabing opisyal.
Aniya, pinagbotohan lamang ng House of Representatives, kung saan hindi pa ito ang huli dahil magkakaroon pa ng hearing sa Senado.
Dapat ding pamatunayan ng tama ang lahat ng akususasyon at may batayan ang pagtanggal sa bise bago makapagdesisyon ang Senado.
Kialngan ding maglabas ng mga matitibay na ebidensiya bilang parte ng paghatol.
Dagdag niya, isa talaga itong political process and impeachment na kailangang harapin ng sinomang mataas na opisyal ng bansa kung siya ay inakusahan.