Nagsitumbahan ang dose-dosenang gusali sa probinsya ng Balikesir, sa Turkey matapos mayanig ng 6.1 Magnitude Earthquake.
Natagpuan ang epicenter ng pagyanig sa bayan ng Sindirgi at naramdaman hanggang sa layong 125 miles sa syudad ng Istanbul.
Sinundan naman ito ng ilang aftershocks, kabilang na ang 4.6 magnitude.
--Ads--
Sinabi ni Sindirgi Mayor Serkan Sak, apat na katao na ang nailigtas mula sa mga gumuhong gusali.
Ayon pa sa opisyal, dalawang katao naman ang na-trap sa loob ng isang gumuhong gusali.
Ilan mga kabahayan din sa Golcuk ang napinsala, kabilang na ang minaret ng isang mosque.