DAGUPAN CITY- Nagkaroon ng pagpupulong ilang mga grupo, tulad ng Sinag, Magsasaka Partilist at ilan pa kasama ng Department of Agriculture (DA) at National Economic and Development Authority (NEDA) upang pag-usapan ang ilang mga usapin ukol sa mga isyu sa agrikultura sa ating bansa.
Bilang paanyaya ni NEDA Director General na si Arseno Balisacan, dumalo ang ilang mga grupo at iba pang mga matataas na tao sa lipunan.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mr. Leonardo Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers, pinag-usapn ng DA, NEDA at ilang mga grupo ang tungkol sa Executive Order 62, partikular ang ilang probisyon sa ng nasabing EO, kung saan teknikal ang naging diskusyon.
Nilinaw ng grupo sa NEDA na ang pagsali sa pagpupulong ay hindi pangangahulugang pag-urong sa pagtutol sa nasabing EO, partikular na sa taripa o buwis sa bigas.
Aniya, ang inaasahang pagbaba ng presyo ng bigas sa palengke, ngunit nawalan naman aniya ng malaking kita ang gobyerno.
Dagdag pa nito, ang nakikinabang lamang sa nasabing order at pagtapyas ng taripa ay ang mga iilang importer at traders.
Sa ngayon ay hindi pa nararamdaman umano ang benipisyo ng order, ngunit nakikita ng grupo na dahil nasa main hairvesting ng palay ang bansa, malaki ang papasok na susplay ng lokal na bigas sa merkado.
Tinalakay din ng grupo sa kanilang panayam ang rice inudstry rollback, kung saan isa itong plano upang mapalakas ang lokal na produksiyon ng bigas at mas maging abot kaya ng consumers at ang usapin ukol sa importing at exporting.
Dagdag nito, kailangan ng malinaw na plano upang sa gayon ay maging epektibo ang mga isainasagawang batas ukol sa agrikultura.
Idiniin din ng grupo ang kahalagahan ng komumikasyon upang makapag-intindihan ang mga sektor sa mga bagay na dapat talakayin.