Nanawagan ng tulong sa pamahalaan ang mga free lance musicians dito sa lungsod ng Dagupan sa gitna ng kinakaharap na krisis dulot ng coronavirus disease.
Ayon kay ER Soriano, free lance musician dito sa lungsod sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nahihirapan sila sa kasalukuyang situwasyon dahil nawalan sila ng trabaho dahil sa pagpapasara ng mga restoran at bar bilang bahagi ng protocol ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng covid 19.
Sinabi nito na nasanay silang gabi gabing tumutugtog sa mga restoran at bar.
--Ads--
Matatandaan na naghain si 4th district congressman Christopher Toff de Venecia sa kongreso ng House Bill 3951 O free lancer protection act na naglalayong magbibigay proteksyon at incentives para sa mga freelancers