Dagupan City – Kanselado na ang ilang mga flights sa Taiwan dahil sa banta ng bagyong Krathon sa bansa.

Ayon kay Jason Baculinao, Bombo International News Correspondent sa Taiwan, dahil sa lakas ng pagbugso ng hanging sa kanilang bansa partikular na sa southern part ay nagsitumba ang ilang mga signboards at nailipad din ang ilang mga bubong sa lugar.

Kung saan ay nakaranas ang mga ito ng malakas na pagbugso ng hangin at pag-ulan.

--Ads--

Ngunit nito lamang bandang alas-2 ng madaling araw ay unti-unti na ring humihina ang bagyo ngunit habang patungong southern part naman ng bansa.

Matatandaan kahapon na nakapagtala ang bansa ng mga kakalsadahang hindi na madaanan dahil sa landslide.

Sa kasalukuyan naman, inaasahang magiging Low pressure area na lamang ito at patuloy pang minomonitor ang sitwasyon sa mga coastal areas.