Ilang mga miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dadalo sa confirmation of charges hearing sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa pamilya Duterte, kinabibilangan ito nina dating executive secretary Salvador Medialdea, dating presidential chief legal counsel Salvador Panelo, dating labor secretary Silvestre Bello III.

Kasama rin sina dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Secretary Martin Delgra; dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Secretary Cesar Dulay at Alfredo Lim ang dating pangulo ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

--Ads--

Wala din kumpirmasyon ang pamilya Duterte kung dadalo din sila sa hearing.

Magugunitang pinagbawalan ng ICC ang kaanak nito na makadalaw sa dating pangulo habang isinasagawa ang confirmation hearing.