DAGUPAN CITY–May mga mangilan-ngilan umanong mga barangay officials ang mismong lumalabag sa ibang mga direktiba ng pamahalaan sa kasagsagan ng umiiral na Extreme Enhanced Community quarantine na naglalayong mapigilan ang pagdami ng naitatalang kaso ng coronavirus sa lalawigan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Councilor Marcelino Fernandez, Liga ng mga barangay President, ilan umano sa mga ulat na may mga kawani pa rin sa barangay na lumalabag mismo sa kanilang ipinapatupad na batas, lalong lalo na umano ang sa liquor ban.

Kamakailan lamang kasi ay may mga barangay officials din umano ang hindi nakakasunod sa mga guidelines ng EECQ dahil na rin sa may mga opisyal ng barangay ang lumabag din sa nasabing mandato kaya naman sinampahan ng kaso ng PNP ang mga ito dahil sa paglabag sa mga protocols.

--Ads--

Sa ngayon ay mas paiigtingin pa ng kanilang hanay ang pagsiguro na ang lahat ng kasapi sa kanilang liga ay tatalima sa lahat ng guidelines na umiiral sa gitna ng krisis hinggil sa coronavirus disease.