DAGUPAN CITY- Isa lamang umanong paratang at walang basehan ang haka-hakang nakinabang ang ilang mga opisyal ng Department of Educations (DepEd) Region 1 sa isyung mayroon umanong Ghost students voucher sa program sa ilang mga pampribadong paaralan dito sa lalawigan ng Pangasinan para sa Senior High School.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cesar Bucsit, Public Affairs Unit Head ng Department of Educations (DepEd) Region 1, isa lamang alegasyon ang kumakalat ng balitang mayroong Ghost Students o invented names na naka-enroll sa mga ilang mga pampribadong pampaaralan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Aniya, hindi alam ng opisina ang mga paratang na ito lalo na sa mga akusasyong nakikinabang ang kanilang opisina sa nasabing bagay na ito.
Wala rin umanong basehan ang mga paratang sa kanila at walang basehan upang paratangan ang mga opisyal.
Dagdag niya, nagkaroon na rin ng pagpupulong ang kanilang opisina kasama ang Private Education Assistance Committee (PEAC) ukol sa nasabing isyu.
Nabigla at nakalulungkot rin ang kanilang opisina sa samu’t-saring mga paratang.
Samantala, nagkakaroon din ng monitoring activities at ilang mga proyekto ang kanilang opisina upang bantayan ang mga eskwelahan sa rehiyon.