DAGUPAN CITY- Nakatanggap ng pagkilala mula sa Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang ilang mga samahan ng agrikultura.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Christopher Aldo Sibayan, Presidente ng Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan, kanilang natanggap ang pagkilalang ito dahil sa kanilang aktibong pakikibahagi upang mapaganda pa ang industriya ng pagbabangus.

Aniya, labis siyang nagpapasalamat sa pagkilala. partikular na kay Engr. Rosendo So, dahil sa pagkilala.

--Ads--

Makakatulong aniya ito para mas mapalawak pa ang kanilang adhikain upang pagandahin ang kanilang industriya.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Sibayan na inaasahan ang pagkakaroon ng La Nina sa mga susunod na araw.

Kaya kaniyang inaabisuhan ang mga magbabangus na paghandaan ito dahil maaaring makaapekto sa kanilang mga bangus, lalo na ang gataw.