DAGUPAN CITY– Hindi muna tumatanggap ng pasyente ang Cith Health Office para sa medical consultation matapos na sumailalim sa quarantine ang ilang medical personnel nito na nakasalamuha ng 1 sa 14 na frontliner na nagpositibo sa Covid 19 dito sa syudad ng Dagupan.

Bagamat binuksan sa publiko ay nilimitahan naman ng CHO ang mga medical services na ibinibigay nila sa publiko dahil dito.

Bukod sa medical consultation ay suspendido rin ang kanilang laboratory services.

--Ads--

Sasailalim sa 7 days quarantine ang naturang mga medical personnel.

Kung kakikitaan sila ng mga sintomas ng covid 19 sa loob ng 7 araw ay hindi pa rin sila maaring pumasok sa trabaho.

Nauna rito nagsagawa ng desinfection ang CHO sa kanilang tanggapan matapos mapabilang ang isa nilang kasamahan sa 14 na frontliners na nagpositibo sa naturang sakit.