Dagupan City – Nababahala na ang ilang mga business owners sa Brgy. Tapuac partikular na ang Burgos Ext. St. at Perez Blvd. kung saan isinasagawa ang konstruksyon o pagpapataas ng kalsada.

Ayon kay Danilo Acol – isa sa mga may pwesto sa nasabing lugar, naghihintay na lamang sila kung kailan ito matatapos.

Sakanilang obserbasyon, wala pa ring pinagbago ang kanilang sitwasyon lalo na tuwing malakas ang ulan, mabilis lamang umapaw ang drainaige at madali lamang umabot ito sa kanilang pwesto.

--Ads--

Posibleng ito ay dahil sa hindi nila inuna ang pag-aasikaso, paglilinis o pagsasa-ayos ng mga drainaige bago nila inumpisahan ang konstruksyon kaya naman wala nang dinadaluyan ang tubig ulan.

Dagdag pa ang pag-asa na maganda rin ang kalalabasan kung mapapataas na ang kalsada nang maiwasan ang pagtaas ng tubig sakanilang tapat, ang problema lamang, malulubog naman ang mga establishimento.

Isa pa sa mga iniisip ni Acol ay ang posible namang pagpapasara ng kanilang pwesto dahil naman sa abiso ng may-ari na posible silang magsara dahil hindi na kaaya-aya ang kalabasan ng kanilang establishmento.

Patungkol naman sa kanyang kinikita, napupunta na lamang ito sa mahal ng kanyang upa na P3,000 at sa iba pang mabibigat na gastusin, malayong malayo sa kinikita niya noong mga nakaraang buwan na umaabot ng P10,000 sa isang buwan.

Nais lamang nila na mas mainam kung ito ay mabilis nang matapos ngunit sa nakikita nila na matatagalan pa ito dahil sa mabagal na aksyon. (Nerissa Ventura)