Nagpanic ang mga tao at nagpuntahan sa mga supermarket para mamili kasunod ng mabilis na pagkalat ng Covid variant sa ilang lugar sa China.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sarah Cuanggey, Bombo International News Correspondent o BINC sa China, naalarma ang mga tao dahil sa nangyari sa Shanghai na ni-lockdown at hindi sila makalabas ng bahay.

Sinabi ni Cuanggey na ang kalakaran doon ay nila lockdown ang isang lugar kapag makapagtala ng malaking kaso.

--Ads--

Kaya naman bilang paghahanda ay namili na ang mga residente ng mga stock ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Wala naman umanong problema sa supply ng pagkain dahil uso naman doon ang magpadeliber ng pagkain.

Samantala, required talaga sa mga mangagagwa ang mass testing kaya naman para sa kanila ay normal na ito.

Nagpapatuloy ang Covid testing upang lubos na masuri ang lahat ng mga residente.