Inilikas na ang higit 8,300 katao sa Taiwan bilang paghahanda sa Bagyong Fung-wong.

Bagaman labis na itong humina nang manalasa sa Pilipinas, nagparanas pa rin ito ng pagbuhos ng ulan sa bulubunduking silangang baybayin at nagdulot ng pagbaha sa ilang mga lugar.

‘Neck-deep’ umano ang taas ng nararanasang pagbaha sa ilang bahagi ng Yilan County at nagsagawa na ng rescue operations ang mga sundalo sa mga stranded.

--Ads--

Higit 1,000 kabahayan naman sa bayan ng Suao ang nalubog sa baha matapos makaranas ng 648mm ng rainwater.

Ayon sa mga residente, naging mabilis ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar.

Hindi umano kinaya ng drainage na tanggapin ang lahat ng tubig ulan dahil sa dami nito.