Nananatiling mataas ang baha na nararanasan ng ilang mga residente sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan dulot ng nagdaang bagyong Nando.

Ayon kay Jeffrey Aniciete, tricycle driber at booking ng kuliglig, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinasamantala nila ang ganitong pagkakataon para magkaroon ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagtatawag ng mga pasahero na sasakay ng kuliglig na tanging paraan para makatawid ang mga tao sa mga kalsada na hindi kayang madanaan ng mga sasakyan.

Umaabot sa P1,000 ang kanilang kita sa pagtatawag ng sasakay ng kuliglighg ngunit ito ay kanilang paghahatian.

--Ads--

Ayos na rin aniya dahil mayroon silang sideline kaysa nasa bahay lamang sila.

Umaabot sa P20 hanggang P30 ang singil na pamasahe sa mga sasakay depende aniya ang layo ng pupuntahan.

Samantala, mas grabe umano ngayon ang nararanasan nilang pagbaha dahil sa mga ginagawang kalsada sa ilang bahagi ng bayan kaya ang tubig ay tumatapon sa kanilang lugar.

Samantala, apektado rin ang mga vendor sa public market ng Calasiao.

Kuwento nila ay nahihirapan silang magtinda dahil wala silang mapuwestuhan dahil sa baha.