Mistulang nagkakaroon ng tensyon sa naganap na pagdinig sa panukalang budget ng bayan ng Calasiao, Pangasinan.

Sa pinakahuling pagdinig, limang konsehal ang nagbigay ng privilege speech kung saan inilantad ang kuwestyunableng paggastos ng pondo ng bayan ng kasalukuyang administrasyon.

Isa isang inilahad nina Municipal Councilor Gerald Aficial, Rogelio Danole, Liga ng mga Barangay President at councilor Mamilyn Caramat, Kevin Macanlalay at Jerald Navarro ang kanilang pagtutol sa mabilisang pagpasa ng 2022 national budget ng bayan dahil kailangan munang ipakita ang mga dokumento sa ilang kiwestunableng proyekto na pinondohan noong nakaraang taon, pero walang maipakitang dokumento na nagpapatunay na nagawa ang nasabing project.

--Ads--

Giit ni Aficial na hindi siya tutol sa pagpasa sa budget pero ang hangad lang ay mabago ang ibang probisyon na nakalagay sa budget propossal.

Municipal Councilor Gerald Aficial

Nabatid na buwan ng Disyembre pa nila hinihingi ang mga dokumento pero walang binibigay ng kanilang chief executive.
Nagbigay naman ng katiyakan si Macanlalay na papasa ang budget pero bago daw siya pumirma ay gusto nilang malaman kung saan ginamit ang budget na nakalaan para sa ilang proyekto ng kanilang bayan.

Municipal Councilor Kevin Macanlalay

Pagpresinta rin ng mga dokumento ng mga proyekto ang hanap ni councilor Navarro upang mapabilis ang pagpasa sa panukalang budget.