BOMBO DAGUPAN – Ilang kakalsadahan sa mga probinsya sa Region 1 ang hindi madaanan dahil sa pagbaha.
Ayon kay Adreanne Pagsolingan- spokesperson , Office of the Civil Defense Region 1, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, batay sa kanilang monitoring kaninang umaga, may mga ilang kalsada at tulay ang hindi madaanan sa San Fenando, City La union, Candon sa Ilocos Sur, samantalang may mga road section din sa lalawigan ng Pangasinan ang hindi madaanan gaya ng Villa Verde roaad sa San Nicolas, barangay Victora sa Sual at barangay Santo Domingo sa San Manuel at pagkasira ng tulay sa Andolan Bridge sa bayan ng Rosales.
Samantala, may mga naitalang 179 na pamilya ang nasa evacuation center sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at La union.
Nakapagtala rin ng landslide sa Ilocos Sur, pero natapos na ngayon ang clearing operations.
Sa ngayon ay patuloy na nakatutok ang kanilang tanggapan sa sitwasyon sa mga probinsiya.
Dito sa lalawigan ng Pangasinan ay hindi pa umanpo kailangan ang augmentation mula sa Regional Disaster Rosk Reduction and Management Council 1.
Nagpaalala naman siya sa publiko na mag ingat pa rin kahit nakalabas na ang bagyo dahil may mga nararanasang pag ulan.