Dagupan City – Natuklapan na ng bubong ang ilang mga kabahayan sa Florida, USA dahil sa pananalasa ng bagyong Milton.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cleofe Forrey, Bombo International News Correspondent sa Florida, bagama’t hindi pa nakakabangon ang mga ito matapos ang pananalasa ng hurricane helen sa lugar, ay walang magawa ang mga ito kundi maging handa sa mas malakas na banta ng hurricane milton.
Aniya, balot ng takot ang mga residente sa Florida dahil bukod kasi sa Hurricane Milton ay ang pagtama rin ng buhawi sa bahagi nito.
Kung kaya’t bagama’t patungo na sa Atlantic Ocean ang bagyo ay nagbabala pa rin ang mga opisyal na makakaranas pa rin ng malakas na hangin at pag-ulan.
Kaugnay nito, nasa higit 3 milyong mga residente naman ang nanantiling nawalang suplay ng kuryente sa Florida habang nagtamo naman ng maliit na damyos ang ilang mga International Airports.
Patuloy naman aniya ang paalala ng mga otoridad na asahan ang mga pagbaha dahil sa pag-ulan.
Sa kabilang banda, Walang humpay naman ang ginagawang pagsasagawa ng update ni US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris sa mga opisyal ng Florida matapos ang pananalasa ng Hurricane Milton.
Habang nasa 12 katao na ang nasawi dahil sa nasabing pananalasa ng hurricane Milton na nasa category 3 ng ito ay naglandfall sa Florida.
Samantala, sa bahagi naman na kinaroroonan ni Bombo International News Correspondent si Jowena Roberts, ay nanatiling walang kuryente at kanselado naman ang lahat ng klase sa naturang bahagi.
Nananatili namang nakaalerto ang mga ito dahil sa pagbagsak ng mga puno dulot ng malalakas na hangin na dala ng bagyo.