Nagbabadyang mataggal sa trabaho ang ilang job order employees sa City Hall ng Dagupan City sa buwan ng Abril dahil sa pagkakabinbin pa rin ng annual budget ng syudad.
Kaugnay nito emosyonal na ibinahagi ng isang ginang na street sweeper ang kaniyang daing dahil sa Hunyo pa dapat magtatapos ang kaniyang kontrata ngunit hindi umano niya inasahang bigla na lamang sasabihin sa kaniyang kabilang siya sa mga hindi na sasahod at matatanggal na sa trabaho.
Nangako umano si Mayor Belen T. Fernandez na magiging regular na ang kanilang sahod ngunit pagkatapos ng isinagawang sesyon nito kasama ang ilan pang konsehales ng Sangguniang Panlungsod, bigla na lamang sinabi sa kanila ang bagay na ito.
Pagbabahagi pa ng naturang ginang na kakasweldo pa nga lang nila makaraang linggo.
Samantala bukod pa sa pagkakatanggal ng trabaho ng mga job order employees, maaapektuhan din ang allowances na ibinibigay sa Barangay Health Workers, barangay tanod, health at emergency workers.