Dismayado ang maraming motorista dahil may mga maagang nagpatupad na ng price adjustment sa ilang gasoli

Dismayado ang maraming motorista dahil may mga maagang nagpatupad na ng price adjustment sa ilang gasolinahan sa Pangasinan bandang alas tres kahapon.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nagsimulang magtaas ng presyo sa gasolina partikular sa centrum sa bayan ng Manaoag.

--Ads--

Nangangamba naman ang ilang jeepney driver na wala na silang maiiuwi sa kanilang pamilya dahil sa pagtaas pa sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Herman Bautista wala silang magagawa kundi magtiis kahit paliit na ng paliit ang naiuuwi nilang kita sa kanilang pamilya dahil ito lamang ang kanilang pinagkakakitaan.

Sa kaso niya 300 na lamang umano ang kaniyang kita na pinagkkasya ng kanilang pamilya sa loob ng isang araw.

Sinamantala marami na ang nagpafull tank kagabi ng kani-kanilang mga sasakyan upang makamenos sa gastos kapag tuluyan ng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon kay Jacob Patalinghug, makakaapekto sa kanyang gastusin ang pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa araw-araw nitong ginagamit ang kanyang sasakyan papunta sa trabaho.

Dahil dito, sisipagin na lamang umano nito ang pag-oovertime para ang kikitain nito sa pag oovertime ang ilalaan sa pang gasolina.

Pagod naman ang ininda ng mga empleyado ng gasoline station dahil sa dami ng mga motoristang last minute ay humabol sa pagpapagasolina .

Ayon kay TJ Lomboy na isang gasoline Boy , dagsa kagabi ang mga motorista sa kanilang gasolinahan na umabot pa ng alas dies ng gabi . Karamihan sa mga ito ay nagpafull tank ng Diesel.

Samantala sasapat naman umano ang supply ng produktong petrolyo nila para sa mga susunod pang mga araw.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nagsimulang magtaas ng presyo sa gasolina partikular sa centrum sa bayan ng Manaoag.

Nabatid na may mga motorista ang nagpagasolina na kagabi bago pa tamaan ng bigtime oil price hike pero ikinalungkot nilang maaga na itong tumaas.

Sinamantala naman ng isang motorista ang pagpapafull tank sa kanyang motor upang makamenos sa gastos kapag tuluyan ng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon kay Jacob Patalinghug, isang motorista makakaapekto sa kanyang gastusin ang pagtaas ng petrolyo dahil sa araw-araw nitong ginagamit ang kanyang sasakyan papunta sa trabaho.

Pagod naman ang ininda ng isang gasoline station dahil sa dami ng mga motoristang last minute ay humabol sa pagpapagasolina sa kanilang gasolinahan.

Ayon naman sa isang Gasoline boy na si TJ Lomboy, hapon pa lamang ay dagsa na ang mga motorista sa kanilang gasolinahan na umabot pa ng alas dies ng gabi kagabi. Karamihan sa mga ito ay nagpapa full tank ng Diesel.

Samantala sasapat naman umano ang supply ng produktong petrolyo nila para sa mga susunod pang mga araw.