DAGUPAN CITY- Nagsasagawa ng paglilinis ang ilang shed owners and Caretaker sa Tondaligan Beach dahil sa naiwang kalat ng nagdaang sama ng panahon.
Apektado ang kabuhayan ng mga ito tuwing ganitong tag-ulan dahil wala masyadong tao ang nagpupunta sa dagat para makapamasyal.
Isa lamang si Helen Mejia sa Caretaker na 3 linggo na umano silang kita ngunit kung meron man ay paisa-isa lamang.
Ipinagpapasalamat na lamang nila na hindi lubos na nasira ang kanilang mga pinaparentahan kaya ang ginagawa na lamang nila ay nagsasaayos para kung sakaling may mga magrerenta ay malinis.
Problema din sa nasabing lugar ay mga nabahang parking area na nagmistulang sapa sa taas ng tubig na umaabot sa gutter deep habang sa Mayor’s pavillion ay naging ilog na kung saan umaabot sa lagpas tuhod ang taas ng tubig.
Nagkalat naman ang mga basura sa taking dagat na inanod ng malakas ng alon ngunit tinututukan na ito ng kinauukulan upang maging maaliwalas sa mga turista.
Saad pa ni Gng. Mejia na sanay na sila sa ganitong sitwasyon ngunit baka pagpasok ng ber months ay may paunti-unti silang kita.
Sa ngayon nasa 100-150 ang kanilang singil mula 1 hanggang 2 oras at depende ito kung galante pa ang customer.
Samantala, inaasahan naman nitong mahahatiran sila ng tulong o ayuda mula sa lokal na pamahalaan upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay dahil sa epekto ng bagyong emong at habagat sa kanilang lugar.