BOMBO DAGUPAN – Walang anumang price hike sa ilang basic goods tulad ng ilang brands ng sardinas, instant noodles, Pinoy tasty at Pinoy pandesal ngayong taon.
Ito ay matapos hindi ito aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi rin ng DTI na nasa final stages na ito ng konsultasyon sa plano nitong alisin ang suggested retail price o SRP scheme na ilang dekada nang ipinatutupad.
Sa ilalim ng SRP scheme, nasa 217 shelf-keeping units o SKUs ang may SRPs na itinatakda ng mga manufacturers at inaaprubahan ng pamahalaan.
Ayon kay dating DTI Usec. Ruth Castelo, ang SRP ay proteksiyon sa masa dahil pinipigilan nito ang mga manufacturer na magtaas ng presyo. Gayunman, pabor ang DTI sa pagbasura sa SRP scheme at palitan ito ng price range guide para sa mga consumer.
Ikinatuwa naman ng mga consumer ang pahayag ahensya na hindi na nito aaprubahan ang price hikes para sa ilang produkto.