BOMBO DAGUPAN – Malaking problema ng mga residente mula sa ilang barangay sa bayan ng Umingan sa lalawigan ng Pangasinan ang pagsalanta ng napakaraming langaw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aurora Constantino, residente sa lugar, matagal na nilang problema ang mga langaw.
Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang barangay Cadiz, Gonzales, Florez at San Vicente.
Saad ng nasabing residente, nagsara sila ng kanilang tindahan sa barangay San Vicente dahil hindi na nila kayang kontrolin ang mga langaw, ito raw ay sumasalo sa pagluluto at pagkain ng mga customer.Nakakahiya aniya sa mga bisitang customer.
Sinabi nito na wala silang landfill na maaaring dapuhan ng langaw.
Ngunit, lumalabas lang ang sobrang dami ng langaw kapag may harvest ang mga poultries.