DAGUPAN CITY- Nakakaranas na ng pagbaha sa 16 barangay sa bayan ng Calasiao dahil sa naranasang pag-ulan dulot ng Super Typhoon Nando.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kristine Joy Soriano, Spokesperson ng MDRRMO Calasiao, nakapagtala na sila ng 2 pamilya o 8 indibidwal ang nasa temporary evacuation center sa Barangay Hall ng Barangay Lumbac.

Aniya, patuloy ang kanilang pakikipagsangguni sa mga opisyal ng barangay at sa alkalde ng bayan para abisuhan ang mga residente.

--Ads--

Gayun na rin sa hindi madaanang kalsada sa Sitio sa tabing ilog para sa mga light vehicles.

Subalit, nananatiling ‘passable’ ang mga major roads ng bayan.

Samantala, umabot na sa 10 ft ang lebel ng tubig sa Marusay River at ito ay nasa ‘above critical level’ na.

Bumilis lamang ang pagtaas ng lebel dahil sa deretsong pagbagsak ng ulan sa bayan, kasabay pa ng pagbaba ng tubig mula sa itaas ng kailugan.