DAGUPAN CITY–Nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Bayambang sa ilang barangay doon dahil sa African Swine Fever o ASF.

Pitong barangay ang sakop ng naturang deklarasyon kabilang na ang apat na lugar na sakop ng 1 kilometer radius .

Posible umanong madagdagan pa ang naturang bilang matapos ang ipinapatupad na 1-7-10 protocol.

--Ads--

Sa pamamagitan umano ng deklarasyon ay mas magiging madali ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang hog raisers lalo na ang mga isinailalim sa culling ang alaga nilang baboy.

Matatandaan na daan daang baboy na ang isinailalim sa culling sa lugar matapos na magpositibo sa African Swine Fever ang 30 baboy mula sa brgy Apalen Bayambang .

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin kung saan nagmula ang ASF na nakapasok sa nabanggit na lugar.

Isa sa tinitignang pinagmulan nito ay ang pagbiyahe ng isang biyahero sa ibang probinsiya na nakatira lamang 100 metro ang layo kung saan nasawi ang mga alagang baboy.