BOMBO DAGUPAN – Kinondena ng ilang mga bansa ang panibagong marahas na aksyon ng China laban sa ating puwersa sa West Philippine Sea.
Ayon sa, hindi sumusunod ang China sa International Law kabilang ang United Nation Convention on the Law of the Sea.
Binigyang diin din ng embahada ng Korea ang halaga ng pagtataguyod sa kapayapaan sa pinagtatalunang karagatan na naayon sa batas.
Nanawagan din ang German Embassy nang mapayapang pagreresolba sa mga alitan.
Ang pinakahuling insidente ay nangyari umano nitong Lunes lamang, Hunyo 17, 2024, kung saan magsasagawa sana ng rotation at resupply mission.
Pero hinarang sila ng mga tauhan ng China at nauwi sa komprontasyon.
Nagkaroon pa umano ng pisikal na labanan.
Pero dahil sa dami ng mga Tsino, nagawa ng mga ito na masugatan ang mga Pinoy, kung saan mayroon pang naputulan ng daliri.