Dagupan City – Nagsagawa na ng early harvest ang ilang mga bangus growers sa bansa dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa mga fishpond dala ng bagyong “carina”.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, isa ito ngayon sa pangunahing suliranin ng mga bangus grower’s kung kaya’t kahapon, huwebes (Hulyo 25, 2024) ay may mga ilan nang naitala na nag-early harvest upang maiwasan ang pagkalugi.

Samantala, sa pagatanim naman ng palay, nilinaw ni Engr. So na nasa umpisa pa lang ng pananim kung kaya’t hindi gaano naapektuhan ang sektor at sa katunayan ay naging daan din ang tubig ulan sa pagbibigay ng suplay ng tubig sa sektor.

--Ads--

Ngunit sa kabila nito, aasahan naman aniya na bahagyang ma-dedelay ang harvesting season sa palay na nakatakda sa ikatlong linggo ng oktubre na dapat ay sa setyembre.

Kaugnay nito, wala namang naging pagtaas sa presyo ng gulay at sa bahagi ng Benguet ay bumaba pa ang mga ito kung saan ang Cabbage nasa tinayang P7 hanggang P10, carrots P65, patatas P70, sayote P8, broccoli P20.

Samantala, sa nagdaang ikatlong SONA naman ng pangulo, Ang Executive Order No. 62 aniya na isinulong ng NEDA.

Hinggil naman aniya sa panawagan ng publiko na gustong ipressure na ibagsak agad ang presyo ng bigas, dapat aniya ay binabase rin ang presyo nito sa ibang bansa dahil sa katunayan ang Vietnam at thailand ay hindi rin nagkakalayo ang kanilang presyo sa P40 hanggang P45.

Kung kaya’t mahirap aniya na makamit pa ang artificial price, dahil kung mangyari man ito ay hindi rin aangkat ang mga importer dahil baka mas lumalala ito at magresulta sa wala ng makain.

Muli namang binigyang diin nito na hindi sagot ang pagpapababang taripa sa presyo ng bigas, dahil hindi naman nito nagagalaw ang presyo sa merkado.