DAGUPAN CITY — Dumadaing narin maging ang ilang mga bangkero dito sa lungsod ng Dagupan, dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa bahagi ng Pantal River dahil mainit na panahon na nararanasan ngayon.
Nabatid na posibleng magkaroon ng aberya ang paglalayag ng ilang bangka kapag na nabalahaw sa bumabaw na bahagi ng ilog ang mga ito.
Bukod dito ay bahagya ding lumayo ang pinagdadaongan ngayon ng mga bangka dahilan upang sila ay gumawa nalamang ng mas pinahabang sampahan.
--Ads--
Samantala, patuloy naman ang ginagawa ngayong dredging operations ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Bagamat paglilinaw naman ng ahensya, bahagi lamang at hindi ang boung ilog ang bumaba ang lebel ng tubig.