Dagupan City – Nanatili pa ring lubog sa baha ang Bonuan Boquig Cemetery kung kaya’t pahirapan ang pagtitirik ng kandila sa kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon sa Residenteng si Roland Maramba, pinili pa rin nilang suungin ang baha sa kabila ng banta ng sakit na leptospirosis.
Kung saan, binigyang diin nito ang salitang “kung mahal mo, pagtitirikan mo ng kandila lalo na’t namayapa na sila”.
Samantala, sa naging panauam naman kay SPO2 Vhann Limos, BFP sa Dagupan City, na nasa area ng Ethernal Gardens sa lungsod ng Dagupan, umaga pa lang ay puspusan na ang kanilang pagbabantay para amsiguro ang seguridad sa kanilang nasasakupan.
Mananatili naman sila sa lugar hangga’t may mga nakikita pa silang dumadalaw.
Pagbabahagi din ni Chairwoman and Central Directress Dagupan City Mylene Bumanlag, nasa drop-by lamang ang ginagawa ng mga bumibisita sa lugar na may dalang sasakyan upang maiwasan naman ang trapiko sa lugar.
Sa kabilang banda, nadatnan din dakong alas-9 ng umaga na naglilinis ng puntod si Ariel Fernandez, at aniya, ngayon lamang din nito nalinisan ang puntod ng kaniyang yumaong mahal sa buhay dahil na rin sa bagyong kanilang naranasan.
Problema naman aniya ang baha sa ilang mga nityo sa lugar kung kaya’t pahirapan din ang pagtitirik ng kandila sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kaugnay nito nauna nang nagpaalala si Poblacion Oeste – Dagupan City Punong Barangay Mark Anthony Guttierez katuwang ang PSO Dagupan upang panatilihin ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar dahil na rin sa dagsaan ang mga bumibisita sa kanilang barangay.