DAGUPAN CITY– Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad sa Tarlac City ang pagkakatapo ng mga putol na bahagi ng katawan ng lalaki.

Una rito,natagpuan ang isang putol na hita na nakabalot sa sako ng semento mula sa hindi nakikilalang lalaki sa gilid ng tulay sa barangay Binauganan sa Tarlac City.

Umaalingasaw ang amoy sa lugar kaya natuklasan ang putol na hita.

--Ads--

Samantala, sa di kalayuang metro ay natagpuan naman ang isang putol na paa na nakalagay sa isa pang supot .

Inaalam ng mga otoridad kung ang dalawang natagpuang putol na bahaging katawan ng tao ay mula sa iisang katawan.