DAGUPAN CITY- Ipinaliwanag ng isang abogado ang ilang maga bagay na kailangang malaman ang isang taong inisyuhan ng warrant of arrest.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Charisse C. Victorio, isang abodago, may karapatan ang isang taong inisyuhan ng warrant of arrest na malaman ang kaso kung bakit hinuhuli ang isang indibidwal.

Aniya, mayroong mga pagkakataon na hinuhuli ang isang tao kahit wala itong warrant of arrest.

--Ads--

Una, kapag aktwal na nakikita o gumagawa ng krimen ang isang indibidwal.

Ikalawa, kapag ang isang tao ay tumakas matapos gumagawa ng krimen.

Panghuli, kapag tumakas mula sa bilangguan ang isang indibidwal o tinatawag na takas na preso.

Lininaw ng abodago na kapag wala sa tatlong ito ang dahilan, ilegal ang pag aresto na walang warrant.

Mayroon ding tinatawag ang batas na citizens arrest o pag-aresto ng isang mamamayan sa isang taong gumagawa ng krimen, ngunit at dapat naaayon sa batas.


Kailangan din aniyang isaalang-alang ng isang tao ang kaniyang kaligtasan bago gawin ang nasabing pag-aresto.