Pinag aaralan pa ng mga school administration kung paano mag adjust sa halos pitung araw na walang pasok sa eskuwela dahil sa naranasang sama ng panahon kamakailan.
Ayon kay Lito Senieto, Vice President, National Parent Teachers Association Philippines, bagamat balik sa normal na ang klase ay
wala pang anunsyo ang Department of Education (DEPED) kung magpatutupad ng make up classes o Saturday class sa mga susunod na araw.
Sa panahon ng class suspension kamakailan ay dapat may mga handyworks ang mga mag aaral modular type o anupaman.
Ngunit dahil may memorandum ang DEPEd na bawal ang assignment sa mga bata ngayon ay walang ginawang aktibidad ang mga bata habang sila ay nasa bahay.
Saad ni Senieto ay mas maganda na magkaroon ng Saturday class.
Kung hindi naman ay habulin na lang sa module system, ngunit ang problema aniya rito ay maaari nang malaman sa googles ang sagot sa mga modules.
Kaya mas maganda aniya na gumamit ng textbook ang mga bata upang magkaroon sila ng activity sa bahay.
Kaugnay naman sa mga paaralan na ginamit bilang evacuation center, imbes na manatili sa paaralan ay ilipat na ang mga evacuees sa mga gymnasium sa barangay o bayan sa tulong aniya ng mga Local Government Units, Department of Social Welfare Administration o ng MSWD.