BOMBO DAGUPAN- Kinumpirma pa ng mga otoridad ang karagdagang tatlong kaswalidad sa nangyaring pag-atake kay former US President Donald Trump sa kaniyang political rally.

Isa umanong lalaki ang nasawi habang nakatayo lamang ito kasama ang ibang dumalo sa rally.

Dalawa naman ang nakumpirmang nagtamo ng malubhang sugat. Dinala ang mga ito sa Allegheny General Hospital. Kaugnay nito, hindi pa nilalabas ang ibang detalye nito.

--Ads--

Samantala, nakalikom naman ng higit $340,000 o umaabot sa P19,860,590 ang isang Fund Raising Page na inorganisa ng national finance director ng kampanya ni Trump makalipas ang ilang oras matapod ang pag-atake. Ang mga malilikom na donasyon ay gagamitin para sa pamilya ng mga biktima.