Maayos at naging mapayapa ang. ikatlong state of the Province Address o SOPA ni Pangasinan Governon Ramon Mon Mon Guico III kung saan umabot ng mahigit tatlumpong minuto ang paglalahad ng kanyang mga naging tagumpay, program, proyekto at iba’t ibang mga serbisyong kanyang naisagawa sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Gobernador ng lalawigan.
Kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang mga bisita, VIPS, mga kapulisan, mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya mg ng pamahalaan, Judiciary, Academe, ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, mga non- Organizations at iba pa.
Ilan lamang sa mga naging highlights ng kanyang state of the Province Address ay ang Guiconsulta, Green Canopy Project, Asin project,pagdevelop sa turismo ng lalawigan, pagkakaroon ng Pangasinan Polythecnic College, iba mga mahahalagang hangarin ng governador para sa mga pangsinense.
Ipinagmalaki ni Gobernador Monmon Guico sa kanyang State of the Province Address (SOPA) noong 2025 na mahigit isang milyong residente ng Pangasinan ang nairehistro sa PhilHealth Konsulta sa loob lamang ng pitong buwan. Ang PhilHealth Konsulta ay isang programa na nag-aalok ng libreng medikal na checkup at paggamot sa mga miyembro nito.
Ipinagmalaki rin niya ang pagbubukas ng ika-15 ospital sa probinsya sa bayan ng Alcala.
Ang layunin ng gobernador ay mapalawak ang sakop ng mga ospital upang magsilbi sa mahihirap na residente ng probinsya. Sa kasalukuyan, mayroon nang 14 na ospital sa probinsya na may kabuuang 912 na bed capacity at 1,632 actual implementing beds. Noong 2023, naglingkod ang mga ospital sa 468,122 na outpatient at 111,631 na inpatient ¹.
Ipagpapatuloy pa nito ang kanyang adhikain habang sya pa ay nanunungkulan sa probinsya.
Lubos naman ang naging pasasalamat nito sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta dahil hindi magiging posible ang lahat kung hindi dahil sa mga pangasinense.