BOMBO DAGUPAN – Malaki ang paniniwala ng mga membro ng US secret service na may tangka sa buhay ni Republican presidential candidate Donald Trump, ang suspek sa ikatlong pagtangkang assasinasyon pero may iba pang tinitignan sa imbestigasyon ng Federal Bureau of investigation.

Ayon kay Isidro Madamba, Bombo International News Correspondent sa USA, sa panig ng FBI hindi sapat na tinitignan nila na may tangka talagang asasinasyon kay Trump dahil ang suspek na si Vem Miller ay membro ng anti government group.

Maaring ang pagdadala rin umano nito ng baril ay para sa pagdepensa sa sarili.

--Ads--

Sinabi ni Madamba na napag alaman na ang suspek ay registred Republican, tumakbo na rin sa Nevada state assembly at naniniwala sa conspiracy theories.

Agad namang nahuli na ng mga otoridad ang suspek kung saan naharang siya sa isang checkpoint malapit sa entrance kung saan ay isinasagawa ang campaign rally niya sa California.

Napag alaman na sinubukan umanong pumasok ni Miller gamit ang pekeng VIP Pass at may dalang mga armas.

Kinasuhan siya ng illegal possession of firearms pero nakalaya rin matapos magbayad ng piyansa na $5,000.

Noong nakaraang assassination attempt kay Trump ay nangyari habang naglalaro ito ng golf sa West Palm Beach, Florida.