DAGUPAN CITY– Nakalambat muli ng bihirang `golden bangus’ sa isang fishpond dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay BFAR-Dagupan center chief Dr. Westly Rosario, ang nasabing golden bangus na natagpuan sa Barangay Bonuan Binloc ay itinurn-over na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Dagupan para sa wastong pangangalaga at masusing pag -aaral.

Ayon kay Rosario, nahuli ang ginintuang bangus ay may bigat na 750 grams, mas magaan ng 50 grams sa naunang pangalawang nalambat na golden bangus.

--Ads--

Palaisipan pa rin kung saan galing at napadpad ang bihirang bangus sa palaisdaan .

Matatandaan ang unang nalambat na golden bangus ay naidonate sa BFAR simula pa noong 2015.

Ibinigay ang golden bangus sa nasabing ahensya limang taon na ang nakalipas , pero namatay din dahil sa stress.

Ang ikalawang golden bangus ay itinurn-over din sa BFAR dalawang buwan na ang lumipas.

Hinimok ni Rosario ang publiko na kung sakaling may malambat silang golden bangus sa kanilang fishponds ay dalhin sa BFAR para sa wastong pangangalaga.